Wednesday, June 20, 2007
..+ ♥♥kaLa ko saLamin lang ang LumaLabo..♥♥ +..
just trying to share something weird.. sometimes kasi.. this is the best way para ma-ease ang burden ng isang tao.. gaya ko.. people think.. im as happy as heaven right now.. pero what they don't know is that ang dami kong problema dito.. pero somehow napapawi yung lungkot ko.. sa hindi ko rin maipaliwanag na dahilan.. labo diba? so hindi lang pala talaga salamin ang lumalabo.. pati rin pala mga pangyayari sa buhay ng tao.. at minsan.. yung mismong TAO pa ang lumalabo..
papano? simple lang.. bakit may mga taong hindi maipaliwanag ang nararamdaman nila? hindi ba't kalabuan yun? minsan naman.. kahit alam mo na kung ano ang nararamdaman mo..itinatago mo pa para sa lang mga kadahilanang akala mo mas magpapagaan ng lahat. malabo rin yun diba.? minsan naman.. magsasabi tayo ng mga bagay sa isang tao.. pero mamaya lang konti bigla tayong magbabago.. magbabago ng sasabihin. isa rin yong kalabuan diba..? may pagkakataon naman.. tayong mga tao.. pilit nating pinipigilan ang isang bagay kahit alam nating hindi na natin kaya.. at alam din nating yun ang nagpapasaya saten.. hinahayaan nating guluhin nito ang sistema ng pag-iisip naten.. kalabuan din.. hindi ba..? kung minsan din.. gagawa tayo ng isang pagkakamali sa buhay naten.. tapos tayo rin naman ang mamo-mroblema.. kalabuan din ng tao yun diba..?meron din namang mga tao.. na sadyang mabilis umandar ang pagiging malabo.. meron tayong mga desisyon o biglaang pangyayari sa buhay na kelangan maintindihan ng tao rin na kausap mo kung baket kelangan mong gawin ang partikular na bagay na yun. pero hindi ka nila kayang intindihin.. at ang malupet pa.. pag sa kanila na nangyari ang ganung sitwasyon. kelangan intindihin sila.. ang labo nila hindi ba..? kung minsan naman.. nararamdaman na naten, pilit parin nating uungkatin kung tama ba itong hinala at nararamdaman naten. kung sabagay.. tayong mga tao.. sadyang takot sa ilang bagay na alam nateng makakasaket saten.. pero kung alam mong tama ang nasa isip mo.. ang hinala mo.. ang nararamdaman mo.. baket kelangan pa nating magtanong?.. hmm.. labo yata nun.. paniniguro lang ba tlga un?
sadyang magulo ang takbo ng isip ng tao.. sa hindi natin sinasadyang paraan.. nagiging malabo tayo.. at minsan kadalasan.. meron tayong naaapektuhang kapwa naten.. ang tao nga naman.. malabo tayo.. dahil tayo.. ay mga takot.. takot tayong masaktan.. minsan may mga tanong na hindi masagot.. at minsan naman ay sadyang hindi na nasasagot.. dahil natatakot.. kagaya ko.. takot. takot umandar ang buhay.. takot na sumemplang ulet.. afraid of rejection.. takot mahulog.. takot sumubok.. well, hindi lang naman ako ang nag-iisang tao na ganyan.. madami.. at lahat tayo'y may kanya-kanyang kalabuan.. at sa hindi mo pa inaasahang pagkakataon.. makakahanap ka pa ng katapat mo.. na mas malabo pa sayo..sa lahat ng kalabuang ito.. isa lang naman ang solusyon eh.. tamang pag-uusap.. para maliwanagan.. para hindi na naghuhulaan.. at nalalabuan pa.. pag-uusap na tipong wala ng paliguy-ligoy pa. seryoso't malumanay na pag-uusap.. para malaman nyo na kung anong gusto nyong malaman.. subukan nyo lang.. wala lang.. naisip ko lang i-share sa inyo ang kalabuang nagaganap sa aking pag-iisip.. baka nalalabuan din kayo.. sakaling makatulong.. $5 lang.. cheap noh.. hehe.. sana pare-pareho tayong maging peaceful ang isip.. d2 na muna.. sa uulitin..exit muna.. 


haay.. \m/
;
Wednesday, June 20, 2007
***